Magdaragdag ng mga tauhan ang Philippine National Police (PNP) sa mga pampublikong lugar partikular na sa mga pamilihan.
Ito ay upang matiyak na mahigpit pa ring nasusunod ang physical distancing na isa sa mga paraan para maiwasang kumalat ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations at Joint Task Force COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, nagbigay kautusan na si PNP Chief Police Gen. Archie Gamboa sa lahat ng unit commanders na limitahan ang dami ng mga tao sa mga pamilihan.
Una na ring inatasan ni DILG Sec. Eduardo Año ang mga opisyal ng barangay na alalayan ang mga pulis sa pagpapatupad ng guidelines ng IATF hinggil dito.