Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 6,000 tourist-oriented personnel sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng publiko habang papalapit ang holiday season.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko habang ini-enjoy ang kanilang bakasyon.
Idedeploy aniya ang mga Pulis partikular sa mga shopping malls, palengke at bazaars.
Maliban dito, maglalagay din ng assisstance desk sa mga transport hubs at mga pangunahing lansangan.
Samantala, pinag-iingat naman ng PNP ang publiko kaugnay sa paglipana ng mga pekeng pera.