Sampung ruta ang binuksan ng Philippine National Police o PNP para magkaloob ng libreng sakay para sa mga Authorized Persons Outside of Residence o APOR .
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ay para makatulong sa mga tinaguriang frontliner na patuloy na gumaganap sa kanilang tungkulin sa gitna ng umiiral na ECQ sa NCR
Kabilang sa mga ruta sa libreng sakay ay ang mga sumusunod:
Mula Central Terminal (Manila City Hall) patungong Quezon Avenue MRT 3 at pabalik; Camp Crame patungong “Tungko” San Jose Del Monte Bulacan (via Commonwealth Ave.) at pabalik; Camp Crame patungong Rodriguez Rizal (via Litex) at pabalik; Camp Crame patungong Taytay (via Ortigas) at pabalik; Camp Crame patungong Meycauayan, Bulacan (via Mc Arthur Highway) at pabalik; Camp Crame patungong Antipolo City at pabalik; EDSA mula Pasay patungong Monumento North Bound and vice-versa; Camp Crame patungong Zapote, Bacoor, Cavite at pabalik; at Camp Crame patungong Novaliches at pabalik.
Ayon naman kay PNP Spokesman P/BGen. Ronaldo Olay, epektibo ang libreng sakay sa panahon ng rush hour o sa mga oras na papasok sa trabaho at pauwi sa mga tahanan ang mga APOR mula 5am hanggang 9am at masusundan naman mula 5pm hanggang 9pm .
Ipakita lamang ang kanilang mga ID bilang patunay na sila nga’y working at other APOR subalit hindi ito para sa mga consumer APOR na limitado lang ang galaw sa kani-kanilang lugar.