Umabot sa mahigit 8,000 miyembro ng Philippine National Police ang ipapakalat sa isasagawang mga aktibidad na may kinalaman sa ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa linggo, Pebrero 25.
Ayon kay PNP Chief General Benjamin Acorda Junior, target nila mag-deploy ng 2,500 police personnel sa Cebu habang 6,000 sa Metro Manila.
Umapela pa si General Acorda sa mga magpo-protesta at mga grupo na gawing mapayapa ang kanilang mga aktibidad.
Matatandaan na ngayong taon ay hindi kasama sa listahan ng mga holiday ang pebrero a-bente singko dahil tumapat ito sa araw ng linggo.