Magpapakalat ng mas maraming pulis ang Philippine National Police (PNP) sa mga shopping malls at iba pang pampublikong lugar partikular na sa mga crime-prone areas.
Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin, ito’y bunsod ng inaasahang pagtaas ng krimen tuwing ber-months.
Inihayag din ni Azurin na mayroong pagbaba sa index crime rate sa loob ng unang limampung araw ng administrasyong Marcos.
Samantala, nasa anim na libo’t limandaang kriminal naman ang patuloy na pinaghahanap ng National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos mag isyu ng mga Korte ng nasa pitong libong warrant of arrests alinsunod sa intensified campaign against crimes ng NCRPO.
Sa ngayon, umabot na sa tatlong daan at walumpu’t walong kriminal ang naaresto ng mga otoridad. —sa panulat ni Hannah Oledan