Magde-deploy ng mga pulis ang Philippine National Police (PNP) sa mga barangay.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, ito’y upang matiyak na walang gagamit ng mga paputok at walang mangyayaring untoward incidents sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Sinabi ni Fajardo na Nobyembre pa lamang ay nakipag-unayan na sila sa mga lokal na pamahalaan para sa paglalatag ng fireworks displays.
Ipinunto naman ng opisyal na ang mga pulis ay magsisilbing supervisors lamang ng mga force multipliers.