Magpapatupad ng balasahan ang Philippine National Police (PNP) mula provincial hanggang station level.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, ito ay bilang paghahanda rin sa nalalapit na may 2019 midterm elections.
Sinabi ni Albayalde na partikular nilang ililipat ng pwesto ang mga police commander na may kaanak na kandidato sa lugar na kanilang nasasakupan.
Samantala, ang mga pulis naman umano na sasabak sa eleksyon ay “deemed resigned” sa sandaling makapaghain na sila ng kanilang Certificate of Candidacy (COC).