Magsasagawa ng case build up ang Philippine National Police (PNP) laban sa ilang pulitiko sa Bicol Region na umano’y mayruong private armed groups.
Kinumpirma ito ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde bagama’t hindi naman nito masabi kung private armed group ang nasa likod nang pagpatay kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe.
Tiniyak ni Albayalde na mahigpit nilang hahabulin at papanagutin ang mga pulitikong matutukoy na nagme maintain ng private armed group.
Person of interest sa Batocabe Slay tukoy na
Tukoy na ng mga otoridad ang persons of interest kaugnay sa kaso nang pagpaslang kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe.
Ayon kay PNP Region 5 Director Chief Supt. Arnel Escobal, nakapagsumite na ng salaysay ang anim na sibilyang nasugatan sa pamamaril ng suspek sa Brgy. Burgos, Daraga, Albay.
Tumanggi munang magbigay ng impormasyon ang opisyal hinggil sa mga person of interest subalit malaki anito ang naitulong ng P30 million reward money sa paglutang ng mga impormasyon hinggil sa suspek.
Bukod sa motibong pulitikal, kumbinsido si Escobal na may kinalaman din sa aktibidad ng New People’s Army (NPA) ang pamamaslang kay Batocabe.