Posibleng sa susunod na taon pa makakuha at makabili ang Philippine National Police o PNP ng mga body camera na magagamit ng mga pulis sa anti-drug operation sa oras na ibalik na sa kanila ni Pangulong Duterte ang “war on drugs.”
Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa dahil hanggang sa ngayon aniya ay nakabinbin pa rin sa Kongreso ang kahilingan nila na dagdagan ang kanilang pondo para sa pambili ng body camera.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Dela Rosa sa mga Local Government Units o LGUs na nagkukusang tumulong sa pagbili ng mga body camera kasunod na rin ng panawagan niya sa mga ito.
Matatandaang ilang araw pa lamang ang nakararaan nang magsimulang gumamit ng body camera ang Pasig City Police sa kanilang mga operasyon tulad ng surveillance operations at Oplan Galugad.
—-