Itataas na ng pamunuan ng pambansang pulisya sa full alert ang status ng buong puwersa ng PNP anumang araw ngayong linggo.
Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez, ito ay bahagi ng paghahanda para sa Araw ng Paggawa sa Mayo 1 at sa Araw ng Eleksyon sa Mayo 9.
Sa ilalim ng full alert status, kanselado muna ang lahat ng leave at day-off ng mga pulis at kailangang tiyakin na mayroong puwersang naka-stand by at ready sa deployment.
By Katrina Valle | Jonathan Andal (Patrol 31)