Sinelyuhan ng mga PNP o Philippine National Police checkpoints ang lahat ng pasukan at labasan sa bayan ng San Luis sa Pampanga.
Layon nito na mapigilan ang posibleng pagpuslit ng manok at mga kauri nito tulad ng bibi, kalapati, pugo, panabong na manok at iba pa palabas ng San Luis kung saan nagkaroon ng outbreak ng bird flu.
Kasama ng PNP sa pagmamando ng checkpoint ang may 100 quarantine officers at mga tauhan ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga.
Napag-alamang lahat ng sasakyang lalabas mula sa San Luis ay kailangang ispreyan ng disinfectant upang matiyak na ligtas ito sa bird flu virus.
By Len Aguirre | (Ulat ni Diony Gole)