Makikipag-ugnayan pa ang PNP sa pamunuan ng Philippine Arena kaugnay sa posibleng pag-hook up nito sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa June 30.
Ayon ito kay PNP Director for Operations, Police Brigadier General Valeriano de Leon dahil nasa halos 300 hanggang 350 guests lamang ang ma-a-accommodate sa National Museum at hindi rin naman lahat ay kaya pang makapag-biyahe para masaksihan ang makasaysayan aniyang inagurasyon ni BBM.