Mananatiling naka full alert status ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa posibleng pananalasa ng Bagyong Ambo sa ilang bahagi ng bansa.
Kasunod na rin ito ayon kay PNP Spokesman Brigadier General Bernard Banac ng direktiba ni pnp chief archie gamboa sa lahat ng unit commander na makipag tulungan sa disaster risk reduction management council para matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa mga maaapektuhang lugar o madadaanan ng bagyong ambo sa gitna na rin ng kinakaharap na coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Magpapatuloy din anila ang mahigpit na pagpapatupad ng quarantine guidelines sa mga apektadong lugar.
Tiniyak ni Banac na lahat ng PNP response operations para sa Bagyong Ambo ay susunod sa minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face masks, face shields, gloves, social distancing, regular na paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol at sanitizers at iba pang paghahanda sa bagyo at pandemya.