Mananatiling naka-alerto ang Philippine National Police (PNP) sa kabila ng umiiral na suspension of police operations (SOPO).
Kasunod na rin ito ng kapwa pagdedeklara ng tigil putukan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF.
Ayon kay PNP officer in charge (OIC) Lt. General Archie Gamboa, pormal na niyang ipinag-utos ang stand down o pagbaba ng armas ng mga pulis.
Gayunman, pina-aalerto pa rin ni Gamboa ang lahat ng kanilang commander sakaling patraydor na umatake ang mga rebelde kasabay ng ika-51 anibersaryo ng komunistang grupo sa Disyembre 26 —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).