Maging ang PNP o Philippine National Police ay binigyan ng kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte na manghuli sa mga lalabag sa Nationwide Smoking Ban.
Kabilang sa dagdag na responsibilidad ng mga pulis na tutukan ang mga establisyemento at mga retailer o mas kilala na takatak boys na magbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad.
Bukod sa pulisya, binibigyang direktiba din ang Task Force Smoke Free ng bawat munisipalidad at siyudad na ipatupad ang Executive Order Number 26 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Ang sinumang lalabag sa nasabing E.O. ay pagmumultahin ng limang libong piso o pagkakakulong ng hindi hihigit sa tatlumpung araw.
By: Meann Tanbio