Paiigtingin ng Philippine National Police, ang pagbabantay para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na gaganapin sa Oktubre.
Ayon kay PNP Pio Chief BGen. Redrico Maranan, mataas ang posibilidad na kumalat ang drug money o pera galing sa transaksiyon ng ilegal na droga, na maaaring gamitin ng mga tiwaling opisyal sa BSKE.
Bukod pa rito, maari ding gamitin ng mga pulitiko ang mga private armed group kaya mas lalong hihigpitan ang pagbabantay sa mga barangay para maiwasan din ang iligal na pagbebenta at pagbili ng mga boto.
Suportado din ng PNP ang mungkahing drug test para sa lahat ng Barangay officials, bago ang pagdaraos ng lokal na halalan.
Sinabi ni BGen. Maranan, na isa ito sa magandang hakbang upang maiwasang mailuklok ang mga politiko na sangkot sa krimen at iligal na droga.