Nagbabala ang Philippine National Police o PNP na mas magiging agresibo pa sila para sa mga artistang masasangkot sa iligal na droga
Ayon kay PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa, buy bust operation na sa halip na Oplan Tokhang ang kanilang gagawin laban sa mga naturang personalidad
Kasalukuyan pa ring naghihintay si Dela Rosa ng listahan mula sa Pangulong Rodrigo Duterte bagama’t may tatlo na silang naaresto
Gayunman, sinabi ni Dela Rosa na may listahan man o wala, tuloy pa rin ang PNP sa pagdampot o manghuli ng mga artistang kanilang tinututukan sa bawat operasyon ng droga
By: Jaymark Dagala