Magpapatupad ng mas mahigpit na seguridad ang Philippine National Police o PNP sa lahat ng mga paliparan sa buong bansa.
Kasunod ito ng pagkakaaresto sa isang miyembro ng ISIS at kinakasama nito kung saan nabulgar ang planong paghahasik ng lagim ng naturang grupo.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, kailangan na maging mas mahigpit ang seguridad upang maiwasan ang nangyaring pagpasok ng teroristang tulad ni Fehmi Lassqued na pumasok sa bansa gamit ang pekeng Tunisian airport.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang PNP sa Interpol o International Police para beripikahin kung kasama si Lassqued sa listahan ng terrorism watch list.
—-