Tinitiyak muna ng Philippine National Police (PNP) kung may clearance mula sa Commission on Election (COMELEC) ang lahat ng kandidato na humihiling ng police security escorts.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos, napaghandaan na nila ang dami ng mga pulitikong hihiling ng police escort pero magiging mabusisi sila sa pagbibigay nito.
Aniya, kung may cleareance na mula sa COMELEC, paiiralin ng PNP ang Alunan doctrine kung saan hanggang dalawang security escort lang bawat kwalipikadong kandidato ang ibibigay nila.
Kung lalampas aniya sa dalawa, sinabi ni Carlos na kanila naman itong pagbibigyan kung may imminent threat laban sa isang kandidato.
Binigyang diin pa ng PNP Chief na batay sa kanyang pagiikot sa mga regional offices ng pulisya ay maayos naman itong nasusunod nang kanyang mga tauhan. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)