Tinitiyak muna ng Philippine National Police (PNP) kung may clearance mula sa Commission on Election (Comelec) ang lahat ng kandidato na humihiling ng police security escorts.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, napaghandaan na nila ang bilang ng mga politikong hihiling ng police escort.
Aniya, kung may clearance na mula sa Comelec, paiiralin ng PNP ang “Alunan Doctrine” kung saan hanggang dalawang security escort lamang bawat kwalipikadong kandidato ang ibibigay nila.
Kung lalampas naman sa dalawa, sinabi ni Carlos na kanila naman itong pagbibigyan kung may imminent threat laban sa isang kandidato.—sa panulat ni Airiam Sancho