Nilinaw ni PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo na hindi isasantabi ng kanilang hanay ang naunang pagsisikap ng dating administrasyon ng PNP hinggil sa kampanya laban sa iligal na droga.
Sinabi sa DWIZ ni Fajardo na kanila itong paiigtingin sa pamamagitan ng panibagong approach upang mabawasan ang suliranin hinggil sa usapin.
Pagtutuunan ng pansin aniya ng kanilang hanay sa rehabilitation at education campaign hinggil sa iligal na droga.
Samantala, sa isyu naman ng decriminalization ng iligal na droga, sinabi ni Fajardo na mahaba pa ang magiging debate tungkol rito at kailangan pa itong pag-aralan ng PNP. —sa panulat ni Hannah Oledan