Matatagalan pa bago muling sumabak sa gera kontra droga ang Philippine National police o PNP.
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, marami-rami pa ang kanilang gagawin para matiyak na handing-handa na sila sa pagsugpo ng iligal na droga.
Kabilang dito ang masusing pagpili sa mga baguhang pulis na sila na ngayong isasabak sa mga anti-illegal drug operations.
Sa ngayon, wala pang target na petsa ang PNP kung kailan nila muling ilulunsad ang kanilang gera kontra iligal na droga.
PAKINGGAN: Pahayag ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa
By Avee Devierte |With Report from Jonathan Andal