Nakapagtala ng 30 bagong kaso ng COVID-19 ang hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang dahilan ayon sa PNP health service kaya’t umabot na sa 9,066 ang kabuuang bilang nito.
Bumandera ang National Operations Support Unit na nakapagtala ng 16 na bagong kaso, sinundan naman ito ng walo mula sa Zamboanga Regional PNP.
Dalawa ang naitalang bagong kaso sa Central Luzon habang tig-isa ang naitala sa NCRPO, Calabarzon, Western Visayas at Bangsamoro Autonomous Region.
Gayunman, nasa 350 ang total active cases ng PNP matapos magtala ito ng 33 bagong gumaling.
Kaya naman sumampa na sa 8,689 ang kanilang total recoveries habang nakapako pa rin sa 27 ang bilang ng mga nasawi.
UPDATE: As of 6:00PM of January 2, 2021 the PNP Health Service recorded 33 new recoveries today bringing the total…
Posted by Philippine National Police on Saturday, 2 January 2021