Nanawagan ang Philippine National Police sa lahat ng grupong magsasagawa ng Labor Day protest bukas, Mayo 1 na bantayan ang kanilang hanay.
Ito’y upang maiwasang makapasok ang mga infiltrator o mapag-samantala para maghasik ng karahasan sa mismong Araw ng Paggawa.
Ayon kay PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde, may natanggap na intellegence reports ang Armed Forces of the Philippines hinggil sa mga pagkilos ng New Peoples Army upang isabotahe ang mga aktibidad na isisi naman sa gobyerno.
Halimbawa anya nito ang nangyari sa kilos protesta ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita na nauwi sa massacre noong 2004 at sa Kidapawan massacre noong 2016 kung saan mga kalaban ng pamahalaan ang nag-udyok ng kaguluhan.
Binigyang diin pa ni Albayalde na hindi lahat ng grupo ay may pinaglalaban dahil marami sa mga ito ay may pinangangalagaang pansariling interes o agenda.
(with report from Jaymark Dagala)