Muling ipinaalala ng pambansang pulisya sa publiko na huwag magbenta o bumili ng mga ipinagbabawal na paputok sa pagsalubong sa bagong taon.
Ito’y ayon kay PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde ay dahil lubhang mapanganib at nakamamatay pa ang paggamit ng mga bawal na paputok.
Magugunitang inilabas noon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order #28 na nagtatakda ng regulasyon at paglilimita sa paggawa maging sa pagbebenta at paggamit ng mga paputok.
Kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok ay ang piccolo, super lolo, atomic triangle, judas belt, bawang, pillbox, bosa, goodbye philippines, bin laden, mother rocket, lolo thunder, coke in can, atomic bomb, five star, pla-pla, giant whistle bomb at kabasi lalo na ang watusi.
Maaari namang sindihan sa mga itinalagang firecraker zones ang baby rocket, paper caps, pulling of strings, sky rocket o kuwitis at small triangulo.
Habang ang mga maaaring sindihan sa labas ng firecracker zone ang butterfly, fountain, jumbo regular, special luces, mabuhay, roman candle, sparklers, trompillo, whistle devices at iba pang klaseng pailaw
Babala naman ng PNP sa mga pasaway na magtitinda pa rin ng mga bawal na paputok na kakanselahin ang kanilang lisensya at kukumpiskahin ang kanilang mga paninda upang hindi na kumalat pa.