May bago nang tagapagsalita ang Philippine National Police (PNP) sa katauhan ni Senior Superintendent Benigno Durana Jr.
Itinalaga ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde si Durana bilang Public Information Office Head kapalit ni Chief Superintendent John Bulalacao na ni-reassign naman bilang commander ng Police Regional Office 6.
Si Durana ay miyembro ng Philippine Military Academy “Maringal” Class of 1988 na nagtapos ng Cum Laude.
Nagsilbi rin ang bagong PNP Spokesman bilang miyembro ng board of inquiry na nag-imbestiga sa mamasapano incident noong January 2015 kung saan 44 na PNP-Special Action Force commandos ang napatay sa pakikipag-sagupa sa mga rebeldeng Muslim sa Maguindanao.
—-