Magdaragdag ng puwera ang Philippine National Police-Aviation Security Group sa mga paliparan sa bansa ngayong Semana Santa.
Ayon kay PNP-AVSEGROUP Director Police Chief Superintendent Dionardo Carlos, magpapatrolya ang kanyang mga tauhan sa mga paliparan partikular sa mga terminal upang alalayan ang mga pasahero at matiyak na ligtas ang pagbiyahe ng mga ito na inaasahang dadagsa bago ang Miyerkoles Santo.
Maglalagay din aniya sila ng mga police assistance desk.
Katuwang din sa pagbabantay sa mga paliparan ang mga local police officer, security guards, airport authorities at iba pang security forces ng paliparan.
Kaugnay nito patuloy ang pakikipag-ugnayan ng PNP-AVSEGROUP sa iba’t ibang intelligence units upang matiyak na hindi makagagamit ng paliparan ang mga binabantayang terorista na posibleng manamantala ngayong Semana Santa.
—-