Hinamon ng Philippine National Police (PNP) ang grupong Akbayan na sagutin ang katanungan ng ina ng mga nawawalang estudyante matapos nilang i-recruit sa kanilang grupo.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, dapat sagutin ng Akbayan kung nasaan ang mga nirecruit nilang mga estudyante.
Dapat anyang itigil na ng Akbayan ang gawain nilang ibintang sa PNP at sa militar sa tuwing may nawawalang militante.
Nagpahayag ng pangamba si Albayalde na posibleng namundok na ang mga nawawalang estudyante at idiin na naman ang AFP at PNP sakaling madamay sa mga engkwentro.
Una rito, naging emosyonal sa hearing ng senado ang ilang nanay habang ikinukuwento kung paano nagbago ang ugali ng kanilang mga anak matapos marecruit ng Akbayan.