May hawak nang cartographic sketch ang Philippine National Police (PNP) ng mga salarin sa pagpapasabog sa Isulan, Sultan Kudarat noong nakaraang Martes.
Gayunman sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, hindi pa nila ito opisyal na ipinalalabas dahil may mga hinahanap pa silang iba pang persons of interest.
Ayon kay Albayalde, hindi nag-iisa ang salarin na nagtanim ng bomba sa lugar kung saan maraming tao ang nagtitipon-tipon kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Isulan.
Samantala, tiwala naman si Albayalde na sa tulong ng cartographic sketch ay matutukoy at madadakip na nila ang mga nasa likod ng pagpapasabog sa Isulan.