Umaasa ang Philippine National Police (PNP) na may makukuha silang impormasyon sa mga nakuha nilang CCTV footages noong araw na pagbabarilin at mapatay ang negosyanteng si Jose Ruiz Yulo sa EDSA.
Ayon kay Senior Superintendent Moises Villaceran, kasalukuyang i-ne-enhance na ang isang CCTV footage na inaasahan nilang makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng suspects o ng motorsiklong sinakyan ng mga ito.
Sinabi ni Villaceran na may nakuha silang CCTV sa isang gasolinahan sa Muñoz Quezon City kung saan nakita ang suspects papasok ng EDSA mula sa North Luzon Expressway (NLEX).
Una rito, nakakuha ng baril ang pulisya sa van na gamot ng biktimang si Yulo.
Napag-alaman ring nahaharap ang negosyante sa tambak na kaso ng paglabag sa batas hinggil sa mga talbog na tseke.
—-