Makabubuting alamin muna ng mga turista mula sa NCR plus ang ipinatutupad na panuntunan ng mga Lokal na Pamahalaan na nakasasakop sa isang Tourist Destination Area bago sila bumiyahe.
Ito ang paalala ni Philippine National Police o PNP Chief P/Gen Guillermo Eleazar kasunod ng anunsyo ng Malakanyang na binubuksan na sa mga residente ng NCR plus ang Lokal na Turismo iba pang lugar sa bansa.
Binigyang diin ni Eleazar, may kaniya kaniyang Rules and Regulation ang mga LGU na kailangang sundin ng ating mga lokal na turista.
Tuloy naman ang pagbabantay ng mga tauhan ng PNP upang tiyakin na masusunod ang Heath and Safety Protocols dahil sa banta pa rin ng COVID-19.
Ayon sa PNP Chief, batid niyang marami na sa ating mga kababayan ang atat nang bumiyahe dahil sa mahabang Quarantine, ngunit mahalaga pa rin na nasusunod ang mga Health Protocols.