Tutulong ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng mga ordinansa partikular sa paglilimita sa galaw ng mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ito’y kasunod ng muling pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng virus dulot ng mabilis na pagkalat ng Omicron variant.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos, pananagutan ng mga pamunuan ng mga establisyemento na bigyan ng tamang instruction ang kanilang security personnel hinggil sa ipinasang ordinansa ng kanilang lokal na Pamahalaan.
Kasunod nito, pinaalalahanan ni Carlos ang mga pribadong security agency at security guards na maging laging magalang sa pagtrato ng mga hindi pa bakunado kontra sa virus maliban na lamang kung essential ang kanilang pakay.
Inatasan din ni Carlos ang mga pulis na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na Pamahalaan upang maiwasan ang iba’t iba o pabagu-bagong interpritasyon sa mga ordinansang kanilang ipinatutupad. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)