Nanawagan ang Philippine National Police o PNP sa mga netizen na ipadala sa mga awtoridad ang mga nakunan nilang picture o video ng vote buying.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, makakatulong ang naturang mga ebidensya sa pagsasampa ng kaso sa mga bumili ng boto nitong eleksyon.
Ang PNP-Anti Cyebrcrime Group na aniya ang bahalang kumilala sa mga suspek na nasa video o litrato.
Kahapon, dalawang insidente ng vote buying ang naitala aniya sa Valenzuela at Taguig City.
Ayon kay Bulalacao, naglalaro sa P50 hanggang P2,500 ang bentahan ng boto batay sa mga sumbong na kanilang natanggap.
—-