Mayroon nang dalawang person of interest ang Cebu City Police Office kaugnay sa nangyaring pamamaslang sa abogado ni Kerwin Espinosa na si Atty. John Ungab.
Ayon kay Senior Inspector Jonathan Taneo, hepe ng Homicide Section ng CCPO, sa pamamagitan ng CCTV footage na nakuha nila sa pinangyarihan ng krimen ay natukoy nila ang dalawang hindi pa pinangalanang persons of interest.
Nakita sa video na maliban sa gunman ay mayroon pang isang lalaki na umaaligid sa Cebu City Palace of Justice kung saan dumalo sa isang hearing si Atty. Ungab bago ito pinaslang.
Samantala, inamin ng National Bureau of Investigation o NBI na hanggang sa ngayon ay wala pang lumulutang na testigo sa insidente.
—-