May sinusunod nang lead ang Pasay City Police at ang PNP NCRPO sa misteryosong pagkawala ng ilang kabataan sa Pasay.
Ayon kay PNP NCRPO Director, Brig. General Debold Sinas, posibleng sindikato ng illegal drugs ang dahilan ng pagkawala ng mga kabataan.
Nilinaw ng PNP na 7 lamang at hindi syam ang kabataan na nawawala.
Sinabi ni Pasay City Police Chief Col. Bernard Yang na sa 7 kabataan, 4 dito ang konektado sa illegal drugs samantala ang 3 iba pa ay nagbebenta di rin umano online subalit hindi pa kumpirmado kung ano ang mga ito.
Posible anilang hindi nakapagremit ang mga kabataan sa sindikatong gumagamit sa kanila kayat nagtatago sila upang hindi matunton.
Hindi umano iniuulat ang kaso sa pulisya dahil nakikipag ugnayan pa rin ang mga kabataan sa kani kanilang pamilya sa pamamagitan ng social media.
Paglilinaw pa ni Sinas, ang mga nawawala ay may edad 16 hanggang 22 at hindi mga musmos na tulad ng sinasabi sa mga ulat. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).