Muling binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko sa pagsunod sa minimum health protocols tulad nang pagsusuot ng face mask at face shield at pag-obserba sa physical distancing.
Kasunod na rin ito nang direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga pulis na tumulong sa pagpapaalala sa publiko ng health and safety protocols.
Sinabi sa DWIZ ni PNP Spokesman Brigadier General Ildebrandi Usana na katuwang ng local government units ang mga pulis na may bitbit na yantok na pansukat na rin sa distansya ng mga taong nagkukumpulan.
Kailangan po talaga natin na panatilihin ang paggamit ng face mask at face shield, pagdadala ng alcohol, of course ‘yung minimum physical distancing, at iwasan natin ang mga matataong lugar,” ani Usana. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas