Pinamamadali na ng pamunuan ng PNP human rights affairs office ang pagsasailalim sa lahat ng sa refresher course on human rights.
Ito ay dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga alegasyong paglabag sa karapatang pantao ng mga pulis bunsod ng nagpapatuloy na pagdami ng mga naitatalang napapatay sa mga police operations kaugnay ng kampanya ng pamahalaan kontra droga.
Sinabi ni Chief Supt Dennis Siervo ang acting director ng PNP human rights affairs office ito ay bilang pagtugon din nila sa united nations convention and human rights treaties kung saan isa ang Pilipinas sa mga signatories.
Samantala, wala namang maibigay na pahayag ang opisyal kung talagang tumataas ang bilang ng mga naitatalang paglabag sa karapatang pantaon sa mga ikinakasang anti drugs operations ng pulisya.
Pero batay sa mga inilabas na datos ng PNP sa kanilang implementasyon ng double barrel hanggang kahapon umakyat na sa 1,732 ang nasa kategoryang dui o death under investigations .
Kaugnay nito patuloy na pina alalahanan ni Siervo ang kanyang mga tauhan na huwag kalimutang basahan ng Miranda rights at anti torture warning ang mga dinarakip na suspects upang hindi masayang kanilang isasampang dahil lamang sa teknikalidad.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal