Muling nagpaalala ang pulisya sa mga uuwi sa kani-kanilang probinsya o di kaya’y magbabakasyon ngayong pasko kung paano maiiwasang manakawan o masunugan habang walang taong maiiwan sa kanilang mga bahay.
Mas malaki anila ang oportunindad ng panloloob kapag alam ng magnanakaw na walang tao sa paligid.
Payo ng pulisya, iwasan ang pagaanunsyo pa sa social media na wala sa bahay ang buong pamilya pati na ang mga alagang aso, o kung hindi maiiwasan ay mag-post nalang ng mga larawan pagkatapos na ng kanilang bakasyon at nakauwi na.
Huwag ding hayaang nakasindi ng mahabang oras ang mga Christmas lights na maaaring maging sanhi ng sunog.
Ugaliin din ang pagmamatyag sa kapaligiran para masigurong ligtas bago umalis ng bahay at mas mag-enjoy sa oras ng pagbabakasyon.