Umapela ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na alalahanin ang mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Odette.
Ito ang mensahe ni PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos kasabay ng pagdiriwang ng sambayanang Pilipino ng kapaskuhan.
Kasunod nito, nananatiling buhay ang diwa ng bayanihan sa hanay ng pambansang Pulisya sa pamamagitan ng pag-aambagan para tumulong sa mga biktima ng kalamidad.
Inihayag ni Police Community Relations Director P/MGen. Bartolome Bustamante na nag-ambag ang mga pulis mula sa kanilang christmas bonus kung saan nakalikom sila ng 8 milyong piso.
Kasama na sa mga mababahaginan ng tulong ani Busatamante ang kanilang mga kabaro na hindi rin nakaligtas sa hagupit ng bagyo.
Tinanggap din ng PNP ang may 3 milyong pisong halaga ng mga relief goods mula sa iba’t ibang grupo at stakeholders na isasabay naman sa paghahatid ng tulong sa mga nasalanta sa Visayas at Mindanao. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)