Tanging warning o babala lamang ang ibibigay sa mga hindi pa bakunadong pasahero sa unang linggo nang pagpapatupad ng no vaccination, no ride policy.
Ayon ito kay PNP HPG NCR Chief Police Lt Col Joel Mendoza, bagamat hindi pa rin pasasakayin at pauuwiin ang mga unvaccinated commuter.
Hindi pa aniya titiketan o pagmumultahin ang mga hindi pa bakunadong pasahero sa unang linggo ng implementasyon ng no vaccination, no ride policy simula sa Lunes, January 17.
Sinabi ni Mendoza na iche-check ng PNP HPG ang ID at vaccination cards ng mga commuter at uubra naman ding soft copy o yung mga kopyang na screeenshot sa celfon.