Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga nagba-bandalismo sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, kanilang paiigtingin ang operasyon kontra bandalismo kasunod na rin ng direktiba ng Department of Interior and Local Government na arestuhin ang mga mapapatunayang maglalagay ng bandalismo.
Kasabay nito, tiniyak ni Banac ang suporta at pagtalima sa kautusan ng DILG.
Nilinaw naman ng DILG na hindi layon ng kautusan na pigilan ang freedom of expression sa bansa, kundi para mapanatili lamang ang kaayusan partikular sa mga pampublikong lugar.
Magugunitang inaresto sa Maynila ang apat na miyembro ng Panday Sining National matapos masangkot sa umano’y paglalagay ng bandalismo sa bahagi ng Recto Avenue.