Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa mga scammer online na gumagamit ng dummy account o ibang pangalan para makapangloko ng tao.
Ito ay matapos ang sunod-sunod na reklamong natatanggap ng PNP mula sa mga nabibiktima online kung saan, nanghihikayat ang mga suspek sa publiko gamit ang social media para makakuha ng pera.
Kabilang sa mga nambibiktima ay sangkot sa Construction Materials Delivery scam, mga gaming app at online selling kung saan, gumagamit ang mga suspek ng Facebook, Messenger at Instagram account para bilugin ang isip ng kanilang bibiktimahin.
Ayon sa PNP, sakaling makaranas ng ganitong sitwasyon ay agad na humingi ng tulong sa kanilang ahensya upang agad na mahuli ng mga operatiba ang mga sangkot sa pang-i-scam.—sa panulat ni Angelica Doctolero