Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga security agencies na hindi magsasauli ng mga matataas na kalibre ng baril.
Base sa memorandum na inilabas ni PNP–Civil Security Group Acting Director Brigider General Roberto Fajardo, noong 2017 pa pinagbawalang gumamit ng mga high powered guns ang mga security guards.
Aniya, hindi papayagang makapag-renew ng lisensiya ang mga security agencies na hindi susunod sa memorandum.
Dagdag pa nito, hindi dumaan sa pagsasanay sa paggamit ng matataas na kalibre ng baril ang mga security guard.
Paglilinaw ni Fajardo, inilabas ang memorandum kasunod ng derektiba ni Pangulong Duterte na bawasan ang insidente ng lawless violence.