Muling binalaan ng Philippine National Police ang publiko laban sa pagdadala ng mga gun replica sa kabila ng umiiral na gun ban ng Commission on Elections.
Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Wilben Mayor, ipinagbabawal ang pagdadala ng mga replika ng baril maging ang mga ginagamit sa airsoft hangga’t may umiiral na ban na magtatapos sa Hunyo 8.
Ipinaliwanag ni Mayor na maaaring magdulot ng takot at kaguluhan ang pagdadala ng mga gun replica na posible ring gamitin sa krimen.
Nasa 50 gun replica na ang nakumpiska ng PNP sa iba’t ibang panig ng bansa simula nang ipatupad ang ban noong Enero 8.
Inihayag din ni Mayor na tanging mga unipormadong pulis, sundalo, security guard at mga law enforcer ang pinapayagang magdala ng baril.
By: Drew Nacino