Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa pekeng Facebook account ni PNP Chief General Debold Sinas na ginagamit para mangikil ng pera.
Naglabas ng screenshots ang PNP ng pekeng Facebook account kasama ang pakikipag-usap ng nagpapanggap na PNP sa isang ginang na namatayan ng pulis na asawa.
Humihingi ng tulong ang ginang para mairelease na ang pensyon at death claims para sa nasawi niyang mister.
Sa nasabing pag-uusap, sinabi ng nagpapanggap na Sinas na tutulungan niya ang ginang subalit dapat ayusin niya o bigyan ng pera ang mag-aayos ng kaniyang concern.
Ayon sa PNP, nakipag-ugnayan na sila sa computer forensics para mahanap ang nasa likod ng pekeng account at makasuhan ito ng paglabag sa anti-cybercrime act.
Pinayuhan din ang mga netizen na maging maingat sa paggamit at pagpapadala ng mensahe sa social media.
FAKE NEWS!
This is in reference to a purported FB account of the Chief, PNP where screenshots show an exchange of…
Posted by Philippine National Police on Tuesday, 29 December 2020