Binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko hinggil sa mga kumakalat na pekeng sabon panglaba at pampaganda.
Kasunod ito ng pagkakakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa 8,000 kahon o katumbas ng P8 milyong pisong halaga ng mga pekeng produkto mula sa mga warehouse sa Kidapawan at Davao City.
Ayon kay CIDG Spokesperson Chief Inspector Elizabeth Jasmin, naka-imprenta sa pakete ng detergent ang tatak ng kilalang brand, at sa ilalim nito ay mayroon din nakatatak na “barato,” nangangahuluhang mura.
Sinabi ni Jasmin na bagamat walang nahuli sa kanilang ginawang raid, makakasuhan naman ang mga may-ari ng warehouse.
By Katrina Valle | Jonathan Andal