Panibagong kurso ang binuksan ng Philipppine National Police Directorate for Information and Communications Technology Management (PNP-DICTM) bilang bahagi ng kanilang digital transformation roadmap.
Ayon kay PNP DICTM Dir. Pol. Maj. Gen. Valeriano De Leon, layunin ng kanilang ahensya na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga pulis pagdating sa modernong teknolohiya na isa sa mga prayoridad ni PNP Chief Pol. Gen. Rodolfo Azurin Jr.
Sinabi ni De Leon, na kung gagamit ng paperless communication at data sharing ang kapulisan sa kanilang mga operasyon, mas madaling malalambat ang mga kriminal na nakikipagtransaksiyon gamit ang computer at iba pang digital technology.