Nagtalaga na ng mga karagdagang pulis sa Barangay Basak San Nicolas, Cebu City matapos magsagawa ng prusisyon ng imahe ng Santo Niño bilang bahagi ng aktibidad sa selebrasyon ng kapistahan doon.
Sa ipinalabas na pahayag ng Barangay Basak San Nicolas, walang kinalaman at hindi alam ng kanilang barangay captain na si Norman Navarro ang isinagawang Sinulog dance sa Sitio Alumnos.
Anila, tinututulan ni Navarro ang aktibidad lalu na’t bati nito ang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung saan kabilang ang kanilang barangay sa 12 tinukoy na hotspot sa Cebu City.
Kanila namang tiniyak na ipatatawag ang organizers ng event para pagliwanagin sa kanilang ginawa.
Batay sa naglabasang larawan ng aktibidad, makikita ang mga nakapilang mga tao na nag-aantay ng prusisyon ng imahe ng Senyor Santo Niño.