Nagdagdag na ng puwersa ang Philippine National Police sa Nueva Ecija at Bulacan para sa seguridad ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Pinatututukan ni Police Regional Office-3 Regional Director, Chief Supt. Amador Corpuz ang dalawang lalawigan ngayong campaign period matapos ang mga naitalang karahasan ngayong election period.
Ayon kay Corpuz, 8,000 pulis ang kanilang idineploy sa Central Luzon kabilang ang nasa 1,400 sa Nueva Ecija habang tinaya sa 1,300 sa Bulacan.
Katuwang anya nila ang Armed Forces of the Philippines sa paglalatag ng seguridad sa rehiyon.
Magugunita noong Martes, Mayo 01 ay apat ang patay kabilang ang isang pulis matapos tambangan ng mga hindi nakilalang salarin sa bayan ng Guimba, Nueva Ecija.