Nagdeklara na rin ng sariling tigil putukan sa NPA o New People’s Army ang Philippine National Police (PNP).
Nagkabisa ang SOPO o Suspension of Offensive Police Operations hatinggabi ng December 23 at magtatapos sa hatinggabi ng January 1, 2016.
Ayon kay PNP Chief, Director General Ricardo Marquez, kailangang irespeto at kilalanin ng lahat ng units ng PNP ang idineklara nilang SOPO.
Gayunman, nilinaw ni Marquez na hindi kabilang sa sakop ng SOPO ang mga regular na pagpapatupad ng batas ng PNP tulad ng paghahain ng warrant of arrests.
Mananatili rin anyang nakaalerto ang PNP at handang rumesponde sa anumang sitwasyon.
By Len Aguirre | Jonathan Andal